skip to main | skip to sidebar

About me

My Photo
aagizer
gOing ASIA...ΓΌ
View my complete profile

Archives

  • ▼ 2008 (39)
    • ► November (4)
    • ▼ September (5)
      • THE LONG BATTLE IS OVER!Triumph Goes to...A T...
      • Saw this article at pep.ph...it get my attention.....
      • R A V I S H I N G !!!Twilight is a young adult gen...
      • Yes! Yes! Yes! Here is my second Critic after my f...
      • After a Long Long Long time of being LOST and DEVI...
    • ► July (10)
    • ► June (2)
    • ► May (2)
    • ► April (1)
    • ► March (1)
    • ► February (8)
    • ► January (6)
  • ► 2007 (8)
    • ► December (1)
    • ► November (5)
    • ► October (1)
    • ► August (1)

Supercalifragilisticexpialidocious

YOU Think You Know It, but YOU have No Idea...

Thursday, September 25, 2008

THE LONG BATTLE IS OVER!




Triumph Goes to...








A T E N E O



W
inning the game with 62 points over DLSU Green Archer's 51 (considered their lowest score point in a final game/ in any game).









Congrats to all the ATENEANS!!! A Well DESERVED CHAMPIONSHIP!!!
DLSU put up a good fight...but as they say, "Panapanahon Lang Yan!" at ngayon DUGONG BUGHAW ang Naghari...




P.S.


Mga peepz sa yfc-ateneo koh....pa cheese burger kayo ha?! tapat lang ng school!!!! hahahaha! GO! GO! GO! soon...animo ateneo!! hahaha!

Posted by aagizer at 11:41 AM 0 comments    

Labels: 2008, animo, ateneo, basketball, blue eagles, champion

Sunday, September 21, 2008

Saw this article at pep.ph...it get my attention...it was pure REALITY...

BOTTOM LINE: "BE REAL! damn it!"

KAWAWANG BAKLA
by John Lapus

Si Carol Dauden, na isang magaling aktres, at si Aiza Seguera, na mahusay na mang-aawit, ay umamin na—sila ay mga tomboy. Mukha naman silang masaya sa kanilang pag-amin. Mas naging malaya sila. Natanggap naman sila ng mga pamilya nila at mga kaibigan. Pero bakit ang mga bakla sa showbiz, isang damukal ang ayaw umamin. Yung iba, tumanda na, at yung iba naman, namatay na pero hindi umamin. Namatay nang nagtatago. Namatay nang hindi malaya. Kawawang bakla.

Sabi ng mga kaibigan kong tomboy, minsan daw, nakaka-get sila ng babaeng makaka-s*x nang hindi nila binabayaran. Para ding mga straight guys na minsan talk show lang at isang bote ng beer, confirmed na! Yung mga baklang mukhang babae at maganda, siguro nakaka-get ng libre, pero prangkahan na, yung iba hindi. Kahit mayaman ang bakla or sikat at powerful, pay pa din. Yung iba, hindi cash. Minsan, career or trabaho. Minsan, damit or rubber shoes. Basta, may kapalit pa rin. May mga kaibigan akong nagmamaganda. Mahal daw sila ng kanilang mga straight boyfriends. I asked them, “Try niyo nga huwag bigyan ‘yan ng allowance or work, tignan ko lang kung boyfriend mo pa ‘yan.” Ayaw naman nila i-try. Kawawang bakla.

Ang dami kong kilalang tomboy na ang girlfriend babaeng totoo ‘tapos tumagal ang relasyon. Sa mga bakla, ang tumatagal lang yung bakla sa baklang relasyon. Kawawang bakla.

Lima na ang kakilala kong baklang pinatay. Yung dalawa, ka-close ko pa. Nagkaroon tuloy ng chismis na baka may gay serial killer. Pero tomboy, walang masyadong pinapatay. Naisip ko, itong mga gay killers, they know na kaya nilang patayin ang mga kawawang bakla na biktima nila. Honestly, minsan naisip ko, kung meron kayang bakla na serial killer naman ng mga lalaki? Bongga, di ba? Pero mga salbahe lang ang pinapatay niya. Kaya lang ‘pag nahuli, kawawang bakla.

Parang boring ang kumalat na picture ng Mocha girls na naghahalikan. Pero kung member ng all-male group ang may kumalat na picture na naglalaplapan, kahit biruan lang din tulad ng sa Mocha, I’m sure-manicure-pedicure-kulot, hanggang next year ay headline ‘yon. Pagchi-chismisan sa beauty parlor, palengke, school, opisina, prisinto, at sa batis habang naglalaba. Kasi recently ko lang nalaman, na ‘pag dalawang babae pala ang naghalikan, natuturn-on ang mga lalaki. Pero ‘pag dalawang lalaki ang naghalikan, hindi naman natuturn-on ang mga babae, worst, nandidiri sila. Biased, di ba? Kawawang bakla.

Pag ang mga lalaki nambabae, sasabihin “macho.” Pero pag namakla, “kadiri.” Kawawang bakla.

Pag ang bakla mukhang babae, maganda. Pero ang babae pag mukang bakla, pangit. Hahaha. Kawawang bakla.

Eto, talagang totoo. Pag ang baklang pa-girl malaki ang nota, alaskado siya sa mga kaibigan niyang bakla. Ang tomboy na pamin pag matambok ang pechay, kaiinggitan ng mga kaibigan niyang tomboy. Suwerteng tomboy, kawawang bakla.

Ang dami kong kaibigang Filipino-Chinese na tomboy at accepted ng family nila. Ang dami kong kaibigang Filipino-Chinese na tagong bakla. Yung iba umamin na lang noong patay na ang tatay nila. Kawawang bakla.

Pag may dumaan na bakla, sumisigaw ang mga batang kalye ng, “Bakla! Bakla!” Pero parang hindi pa ako nakarinig na sumigaw sila ng, “Tomboy! Tomboy!” Kawawang bakla.
Ang mga baklang nakadamit-babae, posibleng mabastos pag pumasok sa C.R. ng boys. Pag ang tomboy pumasok sa C.R. ng girls, okay lang na nakadamit-lalaki. Hindi kaya dahil lalaki lang ang nambabastos? Kawawang bakla.

Nabanggit ko na ito dati. Ang dami kong nakikitang tomboy na may ka-holding hands na babae. May nakita na ba kayong baklang hinolding hands ng boyfriend niya? In public, ha. Kawawang bakla.

Yung isang kaibigan kong tomboy, tuwang-tuwa daw ang tatay niyang sundalo nang malamang tomboy siya. Yung kaibigan kong bakla, binugbog ng tatay na sundalo nang malamang bakla. Kaloka. Kawawang bakla.

Pag ang anak na lalaki or babae masama ang ugali, ang tawag “black sheep.” Pag bakla ang anak na masama ang ugali, ang tawag “salot.” May kaibigan nga ako na mabait naman, salot pa din ang turing ng pamilya. Maryosep, kawawang bakla.

Kadalasan ang lalaki, kapag nakikipag-break sa girlfriend nila, kasi may ibang babae. Kapag ang lalaki, nakikipag-break sa bakla, kasi may ibang bakla or babae. Heto ang kakaiba, may kaibigan akong bakla, iniwan siya ng jowa niya kasi nag-born again. Ang say ni bakla, “Anong palagay niya sa akin, demonyo?” Kawawang bakla.

Naging malaking issue nang tawagin ni Joey de Leon na “mukhang aswang” si Pokwang. Dahil siguro magkatapat sila ng show. Sabi ni Willie Revillame, kawawa naman daw ang anak ni Pokwang kasi tinutukso sa school. Naisip ko lang, kung bakla ang co-host sa Wowowee at sinabihang “mukhang aswang” ni Joey, masasabi rin kaya ni Willie na kawawa naman ang mga pamangkin ni bakla kasi tinutukso sa school? Ano sa sa plagay niyo? Sana naman…Kasi ‘pag hindi, kawawa si bakla.

May mga artistang babae at lalaki na pangit na, wala pang laman ang utak. Itsura pa lang kasi, nakakatawa na. Ang mga baklang pangit, kailangan medyo witty at matalino. Kung hindi, kawawa kang bakla ka.

Ang batang lalaki ‘pag kumikendeng, sasabihin “bakla paglaki.” ‘Pag ang batang babae, macho kumilos, sasabihin ay “boyish” lang. Kawawang baklita.

Ang mga babae tuwang-tuwa ‘pag pumupunta sa gay bar. Ang mga bakla, kawawa sa pandidiri ‘pag pumunta sa girlie bar. Sure ako diyan. Sinama ako dati ng mga kaibigan kong lalaki, awang-awa ako sa sarili ko. Huhuhu.

Nakakatawa pero nakakasad yung joke na ito (buti na lang joke):

PARI: Ang mga bakla ay hindi makakapasok sa langit.

BAKLA: Ok lang ‘yon Father. Doon na lang kami sa Rainbow, magslide-slide.

Which made me think. Ang mga bakla lang ang makakaisip ng ganoon. Hindi na papasukin sa langit pero nakuha pang mag-taray at lumigaya sa pag-slide sa rainbow.

Dito sa Pilipinas, sa Quezon City na lang, tabi-tabi ang gay bar. Lesbian bar, may nakita ka na?

Alam niyo ba na may mga spa at massage parlor na para lang sa mga bakla? Bongga!

Walang baklang istambay. As in pang lalaki lang ang word na ‘yan. Yun nga lang, may baklang pusher at bugaw pero may trabaho pa din. Bihira ang baklang holdaper. Yung kumukuha na lang ng hindi kanila. May na-meet na akong baklang snatcher at akyat-bahay, at least, nag-effort muna sa pagtakbo at pag-akyat. Hahaha.

Ang word na “pink peso” ay dedicated daw sa pera na kinikita at ginagastos ng mga bakla.
Madami daw bakla sa call center na pinapayagang mag-boses babae kasi boses babae talaga. I doubt kung madaming tomboy ang boses lalaki. Aminin.

May kaibigan akong tomboy na nag-commit ng suicide after iwan ng girlfriend. Ang mga bakla ‘pag iniwan ng jowa, mababaliw lang—iiyak…mag-e-emote…magkukulong sa kwarto…magluluto…magpapa-parlor…’tapos may jowa na ulit. Taray! I should know.

Mas madaming bakla ang nanalo sa mga make-up at hair style competition. Oo naman.
Ang mga bakla, may taste. Pag sinabi naming pangit, pangit talaga ‘yon. Pero pag sinabi naming maganda, ay maganda talaga ‘yon. May kaibigan akong lalaki. May pina-date sa akin na barkada daw niyang guwapo. Sa barkada nila, ‘yon daw ang pinaka-guwapo. Nang makita ko, ang naisip ko lang, “Diyos ko po! Ano pa itsura ng pangit sa barkada nila?” May barkada naman akong babae. Pinakilala sa akin yung manliligaw niya. Super guwapo daw. Pucha, pagkakita ko, napa-C.R. ako.

Ang mga bakla, masaya kasama. Maingay, nakakatawa at hindi boring.


Come to think of it. Hindi rin pala kami masyadong kawawa. Mga bakla, tara na sa Rainbow at mag-slide-slide in this particular order:

RED- Mga baklang pa-girl, operada at mukhang babae. Go, mga sisters!

ORANGE- Mga batang bakla. Slide na, mga anak!

GREEN- Mga paminta, mukhang lalaki, members ng guys4men.com. Slide na, mga pare!

YELLOW- Mga baklang may asawa at anak. You deserved to be happy. Slide na!

VIOLET- Mga baklang bisexual, dito kayo kasi alanganing red, alanganing blue. Go!

INDIGO- Mga baklang Diva at Mama. Halina mga sisters. Mama Ricky, kapit lang po mabuti. Sunod na po ako in a while.

BLUE- Mga baklang tago at ayaw umamin, dito kayo. Kahit hindi kayo umaamin, may karapatan din kayong mag-slide sa rainbow natin. Ingat lang sa pagtili at baka mabuking. Diyan kayo sa dulo para hindi mahalata ng bayan na nakikipaglaro kayo sa amin. Don’t worry, we understand. Alam ko, kawawa din kayo. Sssshhhh….

Posted by aagizer at 11:34 AM 0 comments    

Labels: bakla, humor, john lapus, kawawa, sweet

Saturday, September 20, 2008




R A V I S H I N G !!!

Twilight is a young adult genre novel written by author Stephenie Mayer. It is the first book of the Twilight series, and introduces seventeen-year-old Isabella "Bella" Swan who moves from Phoenix, Arizona to Forks, Washington, and finds her life in danger when she falls in love with a vampire, Edward Cullen.

------------------------------------------

LOVE STORY that innovates the young minds of this generation from the modern flick taste of the new generation with their take of (quote and quote) "LOVE STORY"...iba na kasi Love Story ngayon eh, may kasama nang kanta (HS Musical churva!), may sayaw na rin (Hairspray eklavoo!) at ang mabenta sa lahat, Hubaran. Hindi naman sa pangit na, for a difference naman ulit at hindi na rin masyadong ma-pollute and teenage minds eh let's get some integration and give justice to the labels of age bracket na "young adult" with emphasis sa "ADULT" kasi pasulong ang pagmature sa isip hindi pausog...hoo! hahaha!

Siguro hindi rin iba yung plot na "forbidden love" but ang catch lang sa novel is that it's between a mortal and immortal with a taste of youthful blend.

CHAPTER 17 pa lang ako actually (THE GAME)...i just can't help but to voice out how i love this modern yet treasuring the old times novel of Stephenie Meyer. Named as "THE #1 NEW YORK TIMES BESTSELLER" while dito sa pilipinas, "National Bookstore's #1 FICTION STORY Bestseller" (eh kamusta naman ang National Bookstore dba?!)...

syempre medyo mixed lang ako sa ibang part ng novel. technically, sobra ang reliance ng book sa pag gamit ng adjectives and adverbs para sa ikakagaganda ng dialogue PERO, NGUNIT, SUBALIT at DATAPWA'T may kurot sa puso hanggang kaluluwa ang tanggap at approach ng dialogue..(knowing filipinos..hmmm... mabilis kiligin!!! hmpf!)

Edward as i will describe is melancholy with very melodramatic energy ang approach.
while
Bella's appeal is based on magic rather than character.

This can be a favorite of those who Love, Love Stories syempre! pero with a Class kasi Hello naman, may integration naman itong story na toh compared sa mga binabasa ng mga katulong na pocket book noh! heller! haha!

cge, READ READ READ na ulit ako...

Nice Book! (way way (superlative ever!) better than Harry Potter Series!) Sobra!

Can't wait for my next stop...




..........................."NEW MOON"

Posted by aagizer at 12:42 PM 0 comments    




Yes! Yes! Yes! Here is my second Critic after my first on the indie Filipino film, "Jay"...



INTERVIEW WITH THE VAMPIRE: THE VAMPIRE CHRONICLES
(1994)

The Film is is based on the 1976 novel of Anne Rice with the same title. The Movie on the other hand is directed by Neil Jordan (The End of the Affair, The Brave One) and top billed by actors Brad Pitt and Tom Cruise with Antonio Banderas and the very young in the film, Kirsten Dunst. It was indeed a Box Office Success generating over a $100 million domestically only.

---------------------------------------------

Main Cast:

Tom Cruise - Lestat de Lioncourt
Brad Pitt - Louis Pointe du Lac
Antonio Banderas - Armand
Christian Slater - Daniel Malloy--The Interviewer
Kirsten Dunst - Claudia

Synopsis: http://www.imdb.com/title/tt0110148/
IMBD Rating: 7.4/10 (Great!)

----------------------------------------------

My Critic:


I am currently a Vampire Lover...I've seen 3 Vampire Movies and this was the third of it...first is Queen of the Damned & second is Bram Stoker's Dracula. I Must say, THIS IS THE ULTIMATE VAMPIRE MOVIE. Of course, consisting of the two sexiest male vampires ever created- Tom Cruise and Brad Pitt. (hahaha! what a bias of mine!)I must admit at first I thought Tom Cruise was a touch too 'apple pie' for this role, but he ultimately knocked my socks off! In fact, he is my second favourite vampire ever, second only to the incredible Gary Oldman in "Bram Stoker's Dracula". And Brad Pitt - oooh Brad Pitt - is hands down the most gorgeous vampire ever. And he played the role of Louis convincingly... but in my eyes would've suited the role of Lestat as well. If you love vampire movies, violence and gore, with a touch of romance and sadness then you will also love this film. To Kirsten Dunst, she is wicked and Dark here...parang di ako sanay kasi una ko siyang nakitang teeny-boper sa Bring it On bago ko napanuod toh! It was a great performance for Dunst. It was not a disappointing performance for Tom knowing that before the movie has started to film, names were rumored on the role of Lestat (the late River Pheonix was chosen but 4 weeks before they started filming, he past away; Johnny Depp was also considered bu turned it down and the author's choice at first, Julian Sands).

Over all, It was a Success Theatrically and Critically. One of the most Unforgettable Vampire Movie in the Movie History. I must include this on my 100 films before you die (w/c would i be enumerating soon...)

DARK yet B R I L L I A N T!


------------------------------------------

I give this film:

(4 out of 6)


A MUST SEE, if not yet seen...CLASSIC!!





-aagizer

Posted by aagizer at 10:52 AM 0 comments    

Labels: 1994, anne rice, brad pitt, critic, fil, INTERVIEW WITH THE VAMPIRE, tom cruise, vampire



After a Long Long Long time of being LOST and DEVIANT (well sort of!) I'm back to my Domain which i consider my SANCTUARY anti-stress and excruciating Life of mine!

(the photo above) is kinda exagge...I've been in a chaotic state but not so chaotic (anu yun?!) hahaha! well, that's Life...Undefinable!

BOTTOM LINE is, BLOGERO AAGIZER is BACK.......HOME.....and it starts...NOW! =)





Other sites:


*http://aagizer.multiply.com/journal

*http://aagizerrific.wordpress.com

Posted by aagizer at 10:01 AM 0 comments    

Newer Posts Older Posts Home
Subscribe to: Posts (Atom)

Blog Design by Gisele Jaquenod

Work under CC License

Creative Commons License